RALPH TULFO NILINAW ANG VIRAL VEGAS VIDEO
1 min read

RALPH TULFO NILINAW ANG VIRAL VEGAS VIDEO

Kumpirmado ni Quezon City 2nd District Representative Ralph Tulfo na siya nga ang nasa viral video kung saan makikitang nagpa-party sa isang bar sa Las Vegas.

Gayunman, pinabulaanan niya ang alegasyon na gumamit siya ng pondo ng bayan para sa halos ₱2 milyon o katumbas ng $42,000 na bayarin.

Paliwanag ni Tulfo, kuha ang video noong Christmas 2023 sa isang pribadong salu-salo kasama ang kanyang mga kaibigan. Nag-ambagan umano ang lahat sa gastos, kahit na ang kanyang credit card ang ginamit pambayad.

Binigyang-diin ng kongresista na personal trip ang biyahe at walang kinalaman ang anumang pondo ng gobyerno.

Humingi siya ng paumanhin sa publiko sa pagkakadawit ng video, kinilala ang pagkadismaya ng ilan, ngunit nanawagan sa mga Pilipino na huwag malihis sa mas malaking usapin ng korapsyon at pairalin ang pagiging mapagmatyag at pananagutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *